KAKATHA NEWS EVENTS 2013
Dated: December 11, 2013
STA. MARIA, BULACAN - The President of the Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. gave the following message for the 40th Sacerdotal Anniversary of Rev. Fr. Anacleto Clemente Ignacio (Sta. Monica) and Rev. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P. (San Sebastian):
Office of the President |
Para
kina:
Rdo. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P. at Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio
Rdo. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P. at Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio
Kapayapaan
kay Kristo!
Isang
taos-pusong pagbati ang aking hatid sa pagdiriwang ninyo ng ika-40
anibersaryo ng pagkapari noong ika-1 ng Disyembre, 2013. Mahalaga ang
bilang na 40. Sinasabi sa Banal na Kasulatan na sa loob ng 40 araw at
gabi nang umulan at bumaha noong panahon ni Noe at ito ang nagbigay
daan sa panimula ng bagong sangkatauhan. Gayun din, ang Panginoong
Hesus ay gumugol ng 40 araw at gabi na nanalangin at nag-ayuno sa
ilang at ito ang naging paghahanda para sa pasimula ng kanyang misyon
at gampanin bilang Mesiyas. At sa muling pagkabuhay, nanatili ang
Panginoon na kasama ang mga alagad sa loob ng 40 araw at saka Siya
umakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Ama, at ito ang
nagbigay-daan sa pagdating ng Espiritu Santo at pasimula ng
Sambayanang Kristiyano.
Kaya
naman, makabuluhan ang inyong pagdiriwang ng ika-40 taon ng
pagkapari. Ito ay tanda ng panibagong simula ng masigla, makabuluhan
at mabunying paglilingkod para sa Diyos at sa bayan. Pasimula ng
panibagong yugto sa paglalakbay na may sigla, galak at marubdob na
hangaring lumago at umunlad sa paglilingkod sa Panginoong Hesus, ang
tanging huwaran ng mga lingkod ng Diyos.
Kaya
sa inyo, Msgr. Rico at Fr. Ety, ang aking pagbati sa pasimula ng
makabuluhan, makatuturan at kapaki-pakinabang na pagiging pari
“magpakailanman!”
Ad
multos annos!